Sa pagbabalik-eskuwela habang may pandemic, nahaharap sa mga panibagong pagsubok ang mga estudyante, pamilya, at guro. Totoo ito kahit na ang setup ay aktwal na klase, online, o halo ng dalawang ito. Para sa mga estudyanteng nagkaklase online, napakahalaga ng pagkakaroon ng broadband na koneksyon.
Kung may koneksyon ka sa internet sa bahay, tiyaking ang iyong kasalukuyang plan ay nagbibigay ng bilis at kapasidad na kailangan mo para masuportahan ang lahat ng kailangang mag-online. Dahil nagtatrabaho mula sa bahay ang mga magulang at maraming paaralan ang nag-aalok ng mahuhusay na online na programa sa pagkatuto, posibleng mas maraming device na nagsi-stream sa iyong bahay at mas maraming data ang nagagamit kaysa sa inaasahan. Ang aming gabay sa kung paano i-optimize ang iyong network sa bahay ay may mga tip para masuri at masulit ang kasalukuyang setup mo.
Kung kasalukuyan kang walang serbisyo ng internet sa bahay, magtanong sa iyong mga lokal na provider para malaman kung ano ang mga maaaring available na alok. Ang mga lugar na hindi sineserbisyuhan ng mga service provider na gumagamit ng wire, gaya ng kumpanya ng telepono o cable, ay maaaring serbisyuhan ng mga mobile provider at fixed wireless provider. Matuto pa tungkol sa pagkonekta sa broadband.
Bukod pa rito, maaari ding mag-alok ang mga lokal na paaralan at aklatan ng mga libreng WI-FI hotspot o kagamitan para matulungan kang kumonekta. Makipag-ugnayan sa iyong distrito ng paaralan o aklatan para malaman kung ano ang maaaring available na serbisyo o kagamitan ng mga ito.
Kapag kumokonekta sa mga WI-FI hotspot, mahalagang isaalang-alang ang seguridad. Ang aming gabay sa kung paano protektahan ang iyong sarili online ay may kasamang ilang tip.
Anuman ang iyong paraan ng pagkonekta, maaari kang matuto pa tungkol sa mga bilis ng internet at performance ng network mo sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng FCC Speed Test (sa English). Ang kamakailang na-update na app ay available para sa mga Android device mula sa Google Play (sa English) at para sa mga iOS devices mula sa Apple App Store (sa English).
Pinakamahuhusay na Kagawian sa Hygiene ng Device
- I-unplug ang iyong device bago ito linisin.
- Gumamit ng telang hindi naghihimulmol na medyo binasa gamit ang hindi gaanong matinding sabon at tubig.
- Huwag mag-spray ng mga panlinis nang direkta sa device.
- Iwasang gumamit ng mga aerosol na spray at panlinis na kemikal na naglalaman ng bleach o mga nakakagasgas na bagay
- Ilayo sa mga bukas na bahagi ng device ang mga liquid at moisture.
No comments:
Post a Comment