Monday, 15 February 2021

Manatiling malusog sa panahon ng coronavirus pandemic

Personal na kalinisan, paglilinis, at mga tip sa kalusugan para maiwasan ang COVID-19, lalo na para sa mga mga nakakatandang nasa hustong gulang.

Limitahan ang oras na malapi ka sa mga tao na hindi mo kasama sa bahay

  • Kasabay ng muli nating pagbubukas sa San Francisco, ang pinakaligtas gawin ay manatili sa bahay. Sa tuwing lumalabas ka, lumalaki ang posibilidad na makuha mo ang COVID-19 at maikalat mo ito sa iyong sambahayan.
  • Makipag-usap sa mga taong kasama mo sa bahay tungkol sa kung paano manatiling malusog nang magkakasama.
  • Kung aalis ka sa bahay mo, magpanatili ng 6 na talampakang layo mula sa mga taong hindi mo kasama sa bahay.
  • Kinakailangan mong magsuot ng pantakip sa mukha kapag ikaw ay nasa 6 na talampakang layo mula sa isang taong hindi mo kasama sa bahay. Kasama rito ang lahat ng oras na ikaw ay nasa labas, namimili, nakasakay sa pampublikong transportasyon, o kumukuha ng pangangalagang pangkalusugan.
  • Tingnan ang gabay tungkol sa mga mas ligtas na pakikipag-ugnayan sa panahon ng pandemic.

Ugalin ang pagkakaroon ng malinis na pangangatawan

  • Regular na hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo. 
  • Kung wala kang sabon o tubig, puwede kang gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alkohol. Ikalat at ipahid sa mga kabilang kamay hanggang sa matuyo ang mga ito.

Puwede kang ligtas na gumamit ng nag-expire nang hand sanitizer kung ito ay:


  • Mayroon pa ring gel o foam na consistency (hindi matubig)
  • Madali pa ring matuyo
  • Mayroon pang 90% sa lalagyan, kung orihinal itong puno at hindi nabuksan
  • Iwasang hawakan ang iyong mukha gamit ang hindi nahugasang kamay.

Umubo o suminga sa tissue. Hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay pagkatapos.


  • Hindi namin inirerekomenda ang pagsusuot ng mga guwantes. Kailangang regular na malinis o mapalitan ang mga guwantes. Mas mainam na paraan para manatiling malusog ang paghuhugas ng kamay.
  • Kung aalis ka sa bahay para pumasok sa trabaho, isaalang-alang ang paglalaba ng iyong mga damit at pagpapalit ng mga sapatos pagkatapos ng bawat shift.
  • Air out your home, especially if someone is visiting
  • Open windows and doors. You can also use an air purifier.

For more tips, see ventilation requirements for SF businesses.


Regular na linisin ang iyong bahay

Araw-araw, linisin ang lahat ng surface na madalas hawakan ng mga tao, tulad ng:
  • Mga counter
  • Mga mesa
  • Mga doorknob
  • Mga fixture sa banyo
  • Mga toilet
  • Mga telepono
  • Mga keyboard
  • Mga tablet 

Linisin kaagad ang anumang surface na may mga fluid galing sa katawan, tulad ng dugo o dumi.


  • Puwede kang gumamit ng mga spray o wipe na ginagamit sa bahay. Sundin ang mga tagubilin tungkol sa iyong mga panlinis na produkto.
  • Puwede kang gumamit ng mga disposable na guwantes. Itapon ang mga ito pagtapos mong hubarin ang mga ito. Hugasan ang iyong kamay pagkatapos mong hubarin ang iyong mga guwantes.
  • Tumingin ng iba pang tip sa paglilis mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng SF (SF Department of Public Health) at CDC.
  • Alamin ang mga sintomas ng COVID-19
Magpasuri para sa COVID-19 kung:

  • Mayroon kang lagnat na higit sa 100.4° Fahrenheit o 38° Celsius
  • Masyado ang iyong panginginig
  • Mayroon kang ubo
  • Nahihirapan sa paghinga
  • Nakakaramdam ka ng pagod o mabigat na pakiramdam
  • Wala kang pang-amoy o panlasa
  • Masakit ang iyong lalamunan
  • Masakit ang iyong ulo
  • Mayroon kang matinding sipon o baradong ilong
  • Nakakaranas ka ng pagtatae, pananakit ng iyong tiyan, o pagsusuka
  • Kung magpopositibo ka para sa COVID-19, dapat mong sundin ang mga tagubilin sa pag-isolate.
Mga Kailangan Inuming sa Para maiwasan ang COVID-19
  • Vitamins
  • Gatas
  • Food Supplement
Tulad ng MX3
  • Maligamgam na tubig na may Lemon.



No comments:

Post a Comment

Manatiling malusog sa panahon ng coronavirus pandemic

Personal na kalinisan, paglilinis, at mga tip sa kalusugan para maiwasan ang COVID-19, lalo na para sa mga mga nakakatandang nasa hustong gu...